Showing posts with label bernabeach resort. Show all posts
Showing posts with label bernabeach resort. Show all posts

Monday, July 24, 2017

Pong Features: Deng and Faye's Bernabeach Getaway 🌊

Hello! 😎


You know you have the right set of friends when they ask you where to go, they believe you, they go to that place and they let you publish they experience on your site. Nice, yeah? 😎

So, let's start. Bernabeach Resort is located in Nasugbu, Batangas. It's actually one of the resorts that was on my list when I went to Nasugbu last December. I landed to the adjacent resort though. 

Bernabeach offers an amazing Infinity Pool. The beach - "sapat lang" (just fair) was how I described it to my PD brother Odeng when he asked me. Haha. So, I have decided to just have minor modifications on his kwento (story) about their experience. I mean I felt how happy he was with the outcome, but I guess it really depends on how you'll take it e. Happiness is a choice, right? With good company pa, so winner. 

This is the first picture Deng sent me before the whole sharing of story happened. 




Odeng: 👨
"Haha. Di ko alam paano uumpisahan ang kwento. Pero masaya ang experience kung ano ung pagkakadescribe mo ganun ang napicture ko sa isip ko. Ito yung lakad na biglaan as in umiinom kami ng Sunday, ang usapan namen drive lang sa may Kaybiang Tunnel 'tas uwi na. Sabi ko sayang naman ang lakad, bakit hindi tayo mag-swimming tutal nasa Nasugbu na din tayo. Pag dating ng Monday, ito na, akala ko usapang laseng lang. Dumating yung pinsan ko na pabalik ng UAE sa Wednesday, July 12. Uminom ulit kami as usual. Yun yung time na nagtanong ako sayo saan malapit at di naman ako napahiya, hehe.

Dumating kami ng July 11 sa Bernabeach before lunch time. Mga 10:30AM nakapagcheck-in na kami since di naman daw peak season, pwede na kami sa room, then check-out time is 12NN, the next day. Yung POOL agad ang nakita namen. WOW! Lalo ung sa kabila ung infinity.



Malinis ung lugar at maayos ang service. Siguro nga kasi Monday sha kaya walang gaanong tao, meron man, pero di aabot ng 10 yung nakita ko. Ang masasabi ko ay everything went well or great rather. Kahit walang planong maayos masasabi kong nag-enjoy mga kasama ko lalo na ung aalis ng bansa.


Si Faye?? Nako di ko alam kung nagka-asawa ako ng sirena. Tuwang-tuwa sha sa dagat pero inunahan ko sha sabi ko ung dagat wag ka mag-eexpect na maputi ang buhangin or ung nakikita mo sa FB or TV na magaganda. Nasugbu ay either brown or black sand. Nung andun na kami, sabi nya basta buhangin at dagat hindi mabato, gusto ko.




Yung room namen is for 2,500/night,deluxe ata yun. Ang masasabi ko, makukuha mo ung value ng binayaran mo since maaga kami naka check-in at malinis sha malamig ang AC malinis ang CR at gumagana ung warm/cold water. Maluwag din sila kasi nakapagpasok kami ng food at alak.

The next day, ito na balik dagat kami sa umaga. Tulad ng nakasanayan ko pag pumupunta ako sa ibang lugar na may dagat inaabangan ko ung mga nanghuhuli ng isda. Kasi pwede ka makahingi or makabili sa murang halaga. Hindi ko na lang matandaan kung anong tawag nila or pangalan ng isda na yan. More than 3 Kilos sha. Ang sabi nung mga taga dun is PHP300/Kilo nakuha namen for PHP700.




We were on the infinity pool while watching the majestic setting sun.






Shempre di mawawala ang babe time. Dahil sirena ata ang asawa ko, let me share some of our pics.


The next day, wala na kaming mashadong naging activity. Naligo na lang ulit sa dagat may less than an hour, alam mo na di papayag ang sirena na uuwi ng di ulit nababasa ng tubig alat. Plus kelangan na din umuwi kasi may pasok ako ng 1PM at yung pabalik ng UAE, may kailangan puntahan my 12NN.

So, buong experience was great! Siguro kelangan ng appreciation sa bawat bagay na makikita at mapupuntahan mo..hindi naman pwedeng lahat sila pare-pareho, may kanya-kanyang ganda ang bawat lugar. "For them not to say and for you to find out".




PS. Salamat Jo may sagot ka ata sa lahat ng itinatanong ko haha!"

- end-

Thank you, Deng for sharing your story and writing on my behalf. Haha. No, seriously though, I appreciate it. For your information guys, Odeng is one of my PD (pissdrunx) brothers whom I met through common friends and the mountains. I never thought he will be one of the folks worth keeping - tae! 💩 Sarap kausap neto! From okrayan, gaguhan to seryosohan to okrayan-gaguhan ulit. Haha!

RESORT DETAILS:

Location: Bernabeach Resort, Brgy. Bucana, Apacible Blvd., Nasubgu, Batangas Contact #s: +63-43-416-0442 | +63-927-418-7209 | +63-999-717-5044 | +63-923-442-6802 | +63-932-242-5550
Email: bernabeachresort@gmail.com
Website: 
http://www.bernabeachresort.com.ph/

HOW TO GET THERE:

Ride a DLTB/BSC/San Agustin Bus in Pasay Terminal with Nasugbu signage (Fare: PHP155)
Drop off to Nasugbu Proper
Ride a Tricycle and tell the driver Bernabeach (PHP10/head)



I guess, I should try Bernabeach myself too! Soon enough! 🌊


speak from the heart,
pong 💙🐢