Showing posts with label black sheep. Show all posts
Showing posts with label black sheep. Show all posts

Sunday, September 30, 2018

Pong Thoughts: Exes Baggage Movie Review 🙅

Hello! Mabuhay! Finally, a new post! Exes Baggage Movie Review. So, ano namang kayang hanash ko dito?! 😉


photo credits: black_sheepph IG Exes Baggage

This post, obviously, is about the movie Exes Baggage. Actors are Carlo Aquino and Angelica Panganiban. Mga batang 90s, relate na relate sa #Cargel. Di ba? Aminin! This is going to be in TagLish (Tagalog and English). This is a chill review. Let's start?!

First, I thought maiiyak talaga ko sa movie. I have my tissue ready na nga. Ito naman si Kuya sa harapan namin, sabi nya "Miss, wag mo sipain ung likod ng upuan!" Badtrip sya e. Sabi ko, "Ay hindi po ako yun, excuse me." So, sabi ko sa sarili ko isang saway pa nito, papatulan ko 'to, start na yung movie panira. Haha. So, mabalik tayo, so hindi ako naiyak, matured. Hindi lang naiyak, sign na ng maturity? Haha. No, I guess, steady na ang heart ko ngayon kaya ganon. Good sign. Pwede na ulit. Haha!  

So, just so you know, while typing, am listening to Maybe The Night - OST ng movie. Sobrang chill ng song. Ang sarap pakinggan habang nasa beach ka with your special someone tapos may beer. Sarap din talaga magmahal, no? Haaay. Haha. 

Ito na nga, what are my thoughts? (ang dami ko na sinabi, di ba? wala pa pala, haha)

  1. Never enter a relationship just because. Loneliness is not a reason, never a reason, kahit kasi sabihin mong hindi mo sinasadya na gawing rebound yung new person sa life mo, babagsak at babagsak dun e. Dapat napatawad mo, una, yung sarili mo, and pangalawa, ung naging karelasyon mo para buong buo ka. Ready ka na. Steady, chill. Para mas masaya. 
  2. When you love someone, you are also giving that person the opportunity to hurt you. Wala e, ganun talaga. Kasama un. Pero kahit gano kasakit, dapat hindi tayo magsawang magmahal. Ang sarap kaya. Lahat naman kasi may katapusan, pati pain. 
  3. Nagmahal ng sobra, kaya masakit din talaga. Pero, sugal lang. Ganyan naman talaga ang buhay, we'll never know unless we give it a try, right? Sa Lotto nga super liit ng probability na manalo, pero walang sawa sa pagtaya. Try din natin sumugal sa pag-ibig, pwede din naman. 
  4. Love is the act of an endless forgiveness. Love may come in different levels pero grabe lang. 
  5. Love always gives us hope. Hindi ito ung mga paasa, okay? Iba yun. Haha. 
  6. When you love someone, give it your all. Bakit pa magmamahal kung kulang din naman, wag na. What's stopping you? Kaya nga dapat buo. Mahirap masaktan, kaya wag tayo manakit, okay? Refer to #1. Haha. 
  7. Last, siguro no matter how long it takes, nagkaron kayo ng ibang karelasyon, if kayo talaga, kayo e. Fate will always find its magic. Lahat kasi may reason, lahat ng nakikilala natin may role para ma-mold tayo to the person na we need to be for our future selves and for our future better halves, maybe. (parang nagandahan ako sa sinabi ko na 'to - mature, haha)
  8. So, I said last, but I lied. Chance. Bigay natin 'to sa mga taong maayos naman na gustong pumasok sa life natin. Wala namang mawawala. Lahat naman nagbabago. 😊

Pinipilit ko talaga ung maturity e no? Bottom line, love love lang. It's the greatest feeling ever! There will always be this one person na will help you recover. Will make you feel whole again, will fix the broken pieces, ganon. 

Favorite line ko? "Sayo na ko e" - Nix to Pia (weakness ko talaga 'to kahit sa totoong buhay, haha)
"Paulit-ulit kong isusugal yung puso ko maramdaman ko lang ulit kung anong meron tayo dati" - Nix to Pia

Tapos ang ganda pa ng boses ni Carlo Aquino. Patay na talaga. Haha! 

Thanks for reading mga besh! 💕

Watch na ng Exes Baggage! Lemme know! 
speak from the heart, 
pong 🐢💙