Showing posts with label movie. Show all posts
Showing posts with label movie. Show all posts

Sunday, September 30, 2018

Pong Thoughts: Exes Baggage Movie Review 🙅

Hello! Mabuhay! Finally, a new post! Exes Baggage Movie Review. So, ano namang kayang hanash ko dito?! 😉


photo credits: black_sheepph IG Exes Baggage

This post, obviously, is about the movie Exes Baggage. Actors are Carlo Aquino and Angelica Panganiban. Mga batang 90s, relate na relate sa #Cargel. Di ba? Aminin! This is going to be in TagLish (Tagalog and English). This is a chill review. Let's start?!

First, I thought maiiyak talaga ko sa movie. I have my tissue ready na nga. Ito naman si Kuya sa harapan namin, sabi nya "Miss, wag mo sipain ung likod ng upuan!" Badtrip sya e. Sabi ko, "Ay hindi po ako yun, excuse me." So, sabi ko sa sarili ko isang saway pa nito, papatulan ko 'to, start na yung movie panira. Haha. So, mabalik tayo, so hindi ako naiyak, matured. Hindi lang naiyak, sign na ng maturity? Haha. No, I guess, steady na ang heart ko ngayon kaya ganon. Good sign. Pwede na ulit. Haha!  

So, just so you know, while typing, am listening to Maybe The Night - OST ng movie. Sobrang chill ng song. Ang sarap pakinggan habang nasa beach ka with your special someone tapos may beer. Sarap din talaga magmahal, no? Haaay. Haha. 

Ito na nga, what are my thoughts? (ang dami ko na sinabi, di ba? wala pa pala, haha)

  1. Never enter a relationship just because. Loneliness is not a reason, never a reason, kahit kasi sabihin mong hindi mo sinasadya na gawing rebound yung new person sa life mo, babagsak at babagsak dun e. Dapat napatawad mo, una, yung sarili mo, and pangalawa, ung naging karelasyon mo para buong buo ka. Ready ka na. Steady, chill. Para mas masaya. 
  2. When you love someone, you are also giving that person the opportunity to hurt you. Wala e, ganun talaga. Kasama un. Pero kahit gano kasakit, dapat hindi tayo magsawang magmahal. Ang sarap kaya. Lahat naman kasi may katapusan, pati pain. 
  3. Nagmahal ng sobra, kaya masakit din talaga. Pero, sugal lang. Ganyan naman talaga ang buhay, we'll never know unless we give it a try, right? Sa Lotto nga super liit ng probability na manalo, pero walang sawa sa pagtaya. Try din natin sumugal sa pag-ibig, pwede din naman. 
  4. Love is the act of an endless forgiveness. Love may come in different levels pero grabe lang. 
  5. Love always gives us hope. Hindi ito ung mga paasa, okay? Iba yun. Haha. 
  6. When you love someone, give it your all. Bakit pa magmamahal kung kulang din naman, wag na. What's stopping you? Kaya nga dapat buo. Mahirap masaktan, kaya wag tayo manakit, okay? Refer to #1. Haha. 
  7. Last, siguro no matter how long it takes, nagkaron kayo ng ibang karelasyon, if kayo talaga, kayo e. Fate will always find its magic. Lahat kasi may reason, lahat ng nakikilala natin may role para ma-mold tayo to the person na we need to be for our future selves and for our future better halves, maybe. (parang nagandahan ako sa sinabi ko na 'to - mature, haha)
  8. So, I said last, but I lied. Chance. Bigay natin 'to sa mga taong maayos naman na gustong pumasok sa life natin. Wala namang mawawala. Lahat naman nagbabago. 😊

Pinipilit ko talaga ung maturity e no? Bottom line, love love lang. It's the greatest feeling ever! There will always be this one person na will help you recover. Will make you feel whole again, will fix the broken pieces, ganon. 

Favorite line ko? "Sayo na ko e" - Nix to Pia (weakness ko talaga 'to kahit sa totoong buhay, haha)
"Paulit-ulit kong isusugal yung puso ko maramdaman ko lang ulit kung anong meron tayo dati" - Nix to Pia

Tapos ang ganda pa ng boses ni Carlo Aquino. Patay na talaga. Haha! 

Thanks for reading mga besh! 💕

Watch na ng Exes Baggage! Lemme know! 
speak from the heart, 
pong 🐢💙

Tuesday, February 6, 2018

Pong Thoughts: Changing Partners Movie Review 👫

Hello! First blog for February! 💕

The first time I saw the trailer of this movie, I knew I had to watch it. And it didn't disappoint. Apparently, it was originally a stage play/musical then the people behind it decided to have the movie version of it. 

Will make this review short and sweet. The actors were amazing. They gave justice to their roles. Hands up! 👐


photo from SineHub's Facebook Page

At first, I thought the movie is all about changing partners, literally. Same sex relationship then to the usual boy-girl relationship and vice versa. No, it was not. I was a bit frustrated in the middle of watching and I badly wanted to find out what's the ending of the movie for me to understand who were the real partners.

Well, then, I realized that the movie is a simple representation of the relationship types that our society has. It also tells us that in love, all is fair. That in love, age is just a number, and falling in love with the same sex happens and that there is really love there. However, in all relationships, problems occur. Why? One, it's not all about having a good time, having someone to cook for you, to buy you the good stuff and have sex. It's also understanding each other, constant communication, same wavelength would help, compromise, maybe. Relationship is like a plant, both parties need to water it, nurture it and the couple involved needs to work hard for the relationship to work. Now, if the relationship is just one way street, or one party feels like it, then that's where the trouble begins. No matter how long you guys have been together, in just a snap, a relationship can end. And in any ending, there will always be the bitter one. 😂 Nah, nagmahal lang. 😊

Choosing a partner (when I say partner, I really meant the meaning of the word) is never easy. It takes guts, will power and a lot of adjustment. And it requires two brave souls willing to work hard for the relationship to last. Have you found yours?

speak from the heart,
pong 🐢💙

Tuesday, July 25, 2017

Pong Thoughts: Kita Kita Movie 🍌❤️👀

Hello hello! 👀😊

Credits to Jayvee Millendez (sobrang thank you!) IG: @dokurorider


Finally, was able to see Kita Kita Movie. Reading the reviews, sabi ko bakit naman ako maiiyak sa movie na 'to e si Empoy effortless. Iba din talaga. Natural na natural. Tawang-tawa ako, lahat ng tao kanina. So sige, go, tuloy lang. Medyo nabagalan pa ko sa pacing pero keri hindi ko na halos napansin.

Wala kang ibang maiisip na maging si Tonyo kundi si Empoy talaga. Magaling si Alex, hindi matatawaran, mata palang akting na, pero si Empoy the Banana ang nagdala e. Haha!

So sa movie, shempre hindi ko ikukwento. Pag labas mo ng sinehan, may mga bagay ka na marerealize e.

1. Ang buhay, talaga nga naman napakaikli. You'll never know kelan ba talaga ang ending. And really, lahat tayo may mission sa buhay. Once tapos na yan, maybe, yun na ang ending. Parang mga bagay at tao sa buhay natin, yung iba dadaan lang.
2. Madalas ang mga bagay at tao who matters, hindi natin napapansin o kung mapansin man natin, mas madalas yung mga pagkukulang nila. Pano pag nawala na sila nang wala ng balikan di ba? Ang lungkot, ang sakit. Kaya babalik tayo sa #1, life is short - live well. Forgive. Love a lot especially sa mga taong malapit sa puso mo.
3. Be happy. Life is simple. Tumulong ka sa kapwa, kumain ka ng cabbage, uminom ka ng beer, gumawa ka ng paper cranes, magpakacorny ka, kahit ano pa yan basta walang sinasagasaang tao, gawin mo. Ang importante masaya ka. #1.
4. Naisip ko din mga nagawa kong mali in the past, alam ko at some point, nasaktan ko mga taong mahal ko at mahal ako - unintentionally, unconsciously, basta nakasakit ako. May mga desisyon kasi tayo bilang tao na hindi maiiwasan talaga e. Humingi ng tawad. Magpatawad. Lahat naman may chance magbago. Maybe, ang mission mo is to be a better version of you, kaya hindi pa ending. Again, #1.
5. Appreciate the littlest things. Yan ang mas nakakapagbigay saya talaga. Best things in life are free di ba? Mga taong mahal mo at mahal ka. #1.

Ending? Ayun iyak-tawa ako sa movie. May tissue naman ako bes. Kung meron gusto manood, pwede ako, I volunteer. Hehe. Salamat sa lahat ng gumawa at bumuo ng pelikula, galing nyo.

Banana + Puso = Happiness
🍌❤️😁

speak from the heart,
pong 🐢💙